Aanhin ko pa ang turo ng religion kung di naman ideal/holy at
puro interpretasyon lang siya ng mga taong mapanamantala sa mga naniniwala.
"Stoning to death" - Capital punishment for ADULTERERS |
Hindi ko rin naiintindihan ang katagang
“mapusok ang babae” pero mas dapat “mapagintindi siya dahil isa siyang babae”,
hindi ba dapat baliktad ang sistema dahil mapusok sila?
Scientifically mas stable ang lalaki dahil sa hormones na testosterone sa katawan nila, kahit mas palaban, pero di naman nawawalan.
Kalapit ng isyung ito sa battle of the sexes ayon sa mga turo este interpretasyon ng mga iskriba ay ang issue ng pananaksil sa minamahal o pangaapid. Dahil hindi ko maintindihan ang kabigatan ng adultery (o pangaapid ng babae sa ibang lalaki maliban sa kanyang kalaguyo o asawa) laban sa lalaking may infidelity – para sa akin it’s the same shit - it’s a hole in one’s emotional stability and its another person’s pain in the ass.
Scientifically mas stable ang lalaki dahil sa hormones na testosterone sa katawan nila, kahit mas palaban, pero di naman nawawalan.
Kalapit ng isyung ito sa battle of the sexes ayon sa mga turo este interpretasyon ng mga iskriba ay ang issue ng pananaksil sa minamahal o pangaapid. Dahil hindi ko maintindihan ang kabigatan ng adultery (o pangaapid ng babae sa ibang lalaki maliban sa kanyang kalaguyo o asawa) laban sa lalaking may infidelity – para sa akin it’s the same shit - it’s a hole in one’s emotional stability and its another person’s pain in the ass.
Naaalala ko ang sabi sakin ng “ayos lang pag
sa lalaki – pero iba na pagbabae” - dalawang malapit sa aking buhay – dalawang
babae pero iisa ang turo dahil iisa ang relihiyong pinaniniwalaan – walang iba
kundi ang bibliya lamang.
So pinagisipan kong mabuti na iba daw pag
babae na bumiglang liko sa kaliwa – turo kasi iyon ng religion nila. Ano ang
pagkakaiba kung babae ang gumawa ng kasalanan sa kung lalaki na ang may
sala? So pag lalaki nambabae ok na?
Ganun na lang ba yun? Masasaktan ka, papatawarin at muling sasaktan mo ang
sarili mo bilang babae kasi sabi ng dinodiyos mo eh ayos lang yun – kaya ng
maulit ulit – ok lang hanggang marealize mo na mukha ka ng tanga, nagpagago ka
pa. Hindi ko talaga naiintindihan.
Naaawa ako. Oo, tama ang iyong pagkabasa
naaawa. Bakit? Kasi ang relihiyon ay isang institusyon na di matitibag dahil sa
belief system na kung tawagin ay “faith” at dahil dito minsan kung ano ang
pinaniniwalaan ng isang tao ay dun na rin nauuwi ang kanilang “fate” o ang
kanilang tadhana. So anong konksyon nito sa pagiging nakakaawa? Dahil ang
paniniwala/faith o spirituality ay sadyang likas na kaakibat din ng mga tao sa
kanilang paglaki (growth and development) dahil diyan isang malaking parti din
maliban sa bahay at sa skwela ang mga institusyon din ng relihiyon ay humuhubog
sa pagkatao ng isang nilalang. Kaya naaawa ako sa mga taong naniniwala sa
interpretasyon ng ibang tao para pansarili nilang interes – kung titignan natin
ang sitwasyon ng dalawang malapit sa aking buhay ay para sa interes ng mga
lalaki.
Kaya pala ganun ganun na lang kadali at ka
proud na kwinekwento sakin ng isang taong kaakibat nila sa pananalig kung paano
niya pinagsasabaysabay ang kanyang mga kababaihan. Lalong nakakasira siguro ng
bait kung malalaman nilang kaya palang gawin yun ng sarili nilang dugo eh noh,
kahit parang santo mong pinalaki – putapete rin palang makati. Wala na akong
magagawa dun, kasi yun ang kanilang pinaniniwalaan. Matanda na sila at matigas
na ang kanilang mga ulo di ko na iyon mapapalambot or kung ano man.
Pero payong kapatid lang - para sa akin ano
man ang relihiyon mo o kahit wala kang diyos na sinasamba - kung hindi ka
kuntento at sigurado sa papasukin mo, mapa-lalaki ka man o babae, mapa isang
simpleng boyfriend-girlfriend relationship lang iyon o mapa-ikakasal ka na sa
taong matagal mo ng kasama eh magisip-isip ka munang mabuti. Ang iyong partner
ay hindi laruan na mapapaltan mo basta basta, hindi parausan, hindi utusan,
hindi katulong at lalong lalao ng hindi tanga o bobo na pwede mong lokolokohin
at tarantaduhin ito ay tao rin, may puso, may damdamin at nasasaktan – parang
ikaw din.
Disclaimer: Ang manunulat ay isang Romano Katoliko at siya ay aminado na tulad ng marami ay hindi siya propeta, scribe o kung ano pang iskolar sa katekismo - siya ay makasalanan din. Pero labas ang kanyang relihiyon sa kanyang mga sinulat dahil ito ay kanyang sariling opinyon lamang base sa kanyang obserbasyon at hindi sukatan ang kanyang mga titik ng moralidad o pagiging sagrado.
No comments:
Post a Comment